isang malaking yehey! dahil may slumber party ako mamaya =) parang high school no? dito naman sa aussielandia ang tawag nila minsan sa slumber party ay "sleepover" as in "mum, i'm gonna sleep over my friend's place tonight".
kaya naman ang karay-karay ko kaninang umaga ay isang malaking bag at halata ng mga friendships ko sa train station na mukhang hindi daw ako uuwi. at ang comment pa nila ay ganito: "sige, magpakaligaya ka hangga't wala pa ang asawa mo dito". hehehe. "wag kayong mag-alala nagpaalam ako sa mister ko" na siya namang sagot ko.
anyway hi-way, kaya naman ako may sleepover sa ibang bahay ngayong gabi kasi ang dalawa (1+1 =2) sa pinakamamahal kong nilalang dito sa aussielandia ay gustong maramdaman ang presence ko! hehehe. joke lang, kapal ko naman. kailangan ko rin namang maramdaman ang presence nila =P. ang isa ay nagbabakasyon sa sydney (galing sya ng brisbane) at ang isa ay kaalis lamang ng kanyang ina (pabalik ng pilipinas) kaninang umaga kaya sobrang lungkot sya. kaya hayan, sa gabing ito, kailangan naming magsama para sa isa't-isa. para mag-tawanan at mag-astang baliw para makalimutan kahit sandali ang mga 'chenes' namin sa buhay. at para hindi bitin at hindi masyadong malungkot ang kaibigan namin na iniwanan ng nanay nya, sasamahan namin sya sa kanyang apartment.
hayyy…thank god for friends. =)
p.s. ang hirap mag-trabaho kung may gimik ka after work. yung tipong nandito ka sa office pero looking forward ka nang umalis kasi alam mong mas magiging masaya ka mamaya.
Friends are undeniably a treasure especially so when you’re in a foreign land and all you have is your friends whom you treat as your own family.
Can relate to this one, though with our case in dubai, i always look forward to going home after work coz we don’t live far apart. I shared a flat for 11 people and there was even a time where i shared it with 16 others. It was real chaos but a welcoming comfort as well.
Posted by larrybored at April 28, 2007, 9:18 am